viernes, julio 16, 2010

hindi ko na alam kung paano pa makatakas sa sakit na nararamdaman ng puso ko, naiipit ako ngayon sa isang sitwasyon na hindi ko maaring iwasan ng ganun ganun na lang. kailangan ko ng stable na trabaho limang taon pa ko magbubuno para matupad ko ang simpleng pangarap ng mga magulang ko. nakalagpas na ko sa isang gusot at hindi pa nga natatapos mayroon na kaagad kapalit. mas matindi pa ang sakit...

minsan tinatanong ko ang sarili ko kung totoo ba ang mga pinapakita at pinararamdam nya sa akin, alam ko naman na napa-complicated ng situation namin pero sana man lang kahit isang beses marinig ko na sincere siya sa mga sinasabi niya. ang kaso parang hindi naman, siguro isa lang akong pampalipas oras, pang-fill in katulad ngayon na libre siya naalala nya ko. hanggang doon lang ba ko??

ang sakit sakit...sana di na lang kami naging malapit sa isa't isa, gaya nga ng sabi niya "this is stupid". so siguro nga stupid nga yong nangyari na iyon, at stupid rin ako kasi naniniwala pa ko sa iyo...

sana isang araw mapatunayan ko sa iyo mismo na mahal mo ko gaya ng sinasabi mo...

hirap na hirap na ko magtiwala ulit, lalo na ngayong nasasaktan ako sa mga pinapakita mo, siguro mas mabuti pang kalimutan ko ng lahat ng nangyari para na rin di na ko nasasaktan.

0 comentarios:

Publicar un comentario

Suscribirse a Enviar comentarios [Atom]

<< Inicio